
Noong ako ay bata pa, kami ay nanirahan sa aming unang bahay sa Nagcarlan, Laguna. Tandang-tanda ko pa ang aking mga nilalaro noon sa bahay at maging sa kalye, kasama ang kapwa ko mga bata sa aming lugar.
Ang larong ito ay ginagamitan ng mga maliliit na baraha at pinipitik pataas. Kung tama ang aking pagkaka-alala, ang mga nakataob pagbagsak ay mapupunta sa kalaban habang ang mga nakaharap naman ay mapupunta sa iyo. Masaya ang larong ito dahil umaasa lang kami sa swerte. Walang nagkakasakitan dito dahil maliliit na bagay lang ang gamit namin. Minsan nga ay pagandahan pa kami ng disensyo ng mga teks at iniingatan namin ang magaganda ang pagkakagawa at yung mga bago pa.
BEYBLADE

Ang beyblade nga pala ay hango sa isang palabas sa telebisyon noong ako ay bata pa.
Ang pogs naman ay nauso noong ako ay nasa ikatlong baytang sa elementarya. Kailangan dito ng diskarte at lakas ng pagbato ng isang pog sa grupo ng mga pogs. Ang lahat ng bumaliktad ay mapupunta sa tumira. Halinhinan din ang pagtira dito katulad ng iba pang laro. Madalas ako makipaglaro nito sa aking mga kaklase at mga pinsan.
Makalipas ang ilang taon, naglabasan na ang iba't-ibang produkto ng modernong teknolohiya na
nagbigay liwanag sa buhay ng tao.
Noong una kong narinig ang 'iPhone' ay wala akong pakialam kung ano ito dahil kuntento na ako sa aking cellphone noong mga panahong iyon. Ngunit noong ako ay nabigyan nito, sobra akong nasiyahan. Hindi ko inaasahan na ganoon pala kaganda ang mga laman ng teleponong iyon.

Hindi natin makakaila na maganda rin ang epekto ng mga modernong bagay sa ating buhay. Napapadali nito angpakilipagsapalaran natin araw-araw. Higit na mas malaya ito kumpara sa tradisyunal na mga kaalaman. Sa kabilang banda, may mga kalamangan din naman ang tradisyunal na mga bagay sa modernong mga bagay. Ang mga tradisyunal na laro ay nakakatulong sa paggamit ng ating buong katawan sa paggalaw at pagdiskarte upang makapamang sa kalaban. Mas ginagamitan din ito ng malalim na pagiisip para hindi mapahiya sa harap ng mga kaibigan. Tama naman diba? Sino ba naman ang gustong matalo sa harap ng kanyang mga kaibigan. Ang paggamit ng makabagong teknolohiya ay maaaring gawin tayong tamad. Pwedeng nakaupo ka lang buong maghapon sa paglalaro, hindi mo na naehersisyo ang iyong katawan. Mas
magkakaroon din tayo ng kaibigan kung lalabas tayo ng bahay at makikipagsalamuha sa iba sa paglaro ng mga tradisyunal na laro. Paano kung nabaoj ka na sa paggamit ng iPad at hindi ka na lumalabas ng bahay niyo? Paano na ang mga kaibigan mo na sa labas ay nagpapakasaya? Kapag nakalimutan ka na nila, saan ka na pupulutin?

Sa bandang huli, kailangan talaga natin pagisipan ang ating paggamit ng ating oras. Hindi dapat kalimutan ang mga tradisyunal na bagay. Hindi porket nandyan na ang mga makabagong kaalaman ay doon nalang tayo magtutuon ng pansin. Tandaan natin na hindi magiging posible lahat ng ito kung hindi nagmula sa mga tradisyunal na kaalaman. Ating tandaan ang napakasikat na kasabihan:
"Ang hindi lumingon sa pinanggalingan, hindi makararating sa paroroonan."